Biyernes, Agosto 22, 2014

Realization :)

At first ayoko naman talagang gawin un lahat, hindi dahil sa kailangan pero nasa way of "life" kong wag na talgang gawin un but nevertheless it was never wrong to give out a simple random act of kindness.

Na-realize up until this point of my life na hindi masamang maging mabait. Pero kadalasan kailangan mo ring magtimpi sa pagiging mabait, kasi maraming taong naglipana na magtatake advantage sa purong kabaitan ng isang tao.

Sa totoo lang may nakilala ako na ganun mismo ang nangyari, di ko talaga ma-comprehend kung paano niya nagawa un sa kailala ko. Ansaklap eh.
Isipin mo puro mabuti lang ung iniisip ng kakilala ko tpos ganito?

It made me think twice sa mga pinaggagawa ko these past few these days. Alam ko naman sa sarili ko na tama yun eh, pero sa tama bang tao?

Actually ayoko na talgang isipin eh, nasa konsensiya na nila yun. Alam ko sa sarili ko na tama (most of the time) ung ginagawa ko but that doesn't mean I'm perfect. God is. <3

Bear in mind na hindi masamang tumulong, mamigay, magadmit na mali ka or ibaba ung selfish pride mo. Hindi ka mamatay pag ginawa mo yan, in reality nakakaluwag talga sa feeling gumawa ng mabuti, what more pag ginawa mo un araw araw? Masarap naman kasi sa feeling na may taong ngingiti sa yo kung kelan stressed at depressed ka, di ba? Pwera na lang kung pessimist ka ... Ibang usapan na un :)

Lunes, Agosto 18, 2014

Day 15 Monday



Konti lang naman ung assignment ko nun kaya naisipan ko na ring maghugas ng plato (napagutusan lng actually ._. pero pagbigyan na :D )

After nun inutusan na naman ako, this time naman magtiklop ng damit as I have mentioned konti nga lang talaga ung mga dapat kong gawin kaya pinagbigyan ko na sina mama. Usually kasi magrereklamo muna ako bago kumilos but this time I've let it pass :)

Linggo, Agosto 17, 2014

Day 14 Sunday



Out of curiosity, naisipan kong basahin ang Word ni God :) after nun it felt good, refreshing actually. Ung feeling na parang may nahugot sa dibdib mo na mabigat :) Ganun ung feeling.

Family tradition na kasi namin na pumunta sa church then gala somewhere ... At first gusto kong magpass kasi may mga kailangan pa kong gawin pero naisip ko na wala namang mawawala kung sasama ako di ba? kaya un :)

Sabado, Agosto 16, 2014

Day 13 Saturday



Kinaumagahan, medyo lutang pa talaga ung utak ko kasi kulang na naman akop sa tulog. Pero weirdly enough hindi naman ako nagpuyat. Late lang tlga ako nakatulog. Napansin din naman ni mama yun kaya tinimplahan niya ko ng kape, good thing it worked! Dahil nga lang dun naging hyper ako pero at least hindi ako nakatulog sa klase dahil dun.

Na mention ko na ba na kasama namin sa bahay ung lola ko? Ay hindi ba? Ganun. Anyways, madalas kasi sya na ung nagvovolunteer na magwalis around the house, pang exercise daw but still pinagpilitan ko sa kanya na ako na lng para naman ako ung makapag exercise :)

Biyernes, Agosto 15, 2014

Day 12 Friday


Nagkataong may groupwork na namang binigay sa min ung prof namin. Reporting na naman ulit.
Nung una talaga ayokong magbigay ng kung anu mang kababalaghang idea sa mga kagupo ko pero napansin ko na ring naubusan na sila ng pwedeng ibrainstorm na idea kaya no choice nagbigay na ko ng suggestion and to my surprise pumayag silang lahat. Who knew, right? :)

Kinakabahan ako sa quiz namin kaya siguro yun ung naginspire sa kin na magaral ng mabuti .... at least pakiramdam ko pasado ako :)

Huwebes, Agosto 14, 2014

Day 11 Thursday


Isang beses naisipan kong maglog in at agad agad lumitaw ung message sa kin ng best friend ko. Nakikiusap (na naman) na icheck ko ung story na ginagawa niya. Nung una talaga halos mapaiyak na ko sa dami ng grammatical error na nandun pero dahil nga sa isa ako sa mga nageedit ng mahiwaga nyang kwento kaya I took the liberty of editing it. buti na lng di sya naoffend dun :)

Pagkalabas ko ng library nakasalubong ko ung kaklase ko na may hawak na papel syempre tinanong ko siya kung para saan un, sabi nmiya sa kin reflection paper daw para sa isa niyang subject. Hinigi ko sa kanya ung papel at humiram kaagad ng ballpen. May mali kasi sa mga pinagsasasabi niya eh kaya un inedit ko at dinagdagan ko after nun binalik ko sa kanya at nag thank you siya sa kin :)

Ok rin palang tumulong pagdating sa mga written works ng ibang tao. At least di sila mapapahiya dahil sa grammatical error/s

Miyerkules, Agosto 13, 2014

Day 10 Wednesday



Kahit na nakakapagod at super boring ng subject pinilit ko na lng ung sarili ko na pumasok sa subject na un. Siguro napansin na rin nung iba ung stress sa mukha ko kaya siguro nung naggroupwork activity kami medjo takot silang lapitan ako pero nag-smile ako sa kanila at nag-assure na ok lang tlga ako at nagproceed na kami sa mga bagya bagay na kailangan sa upcoming reporting namin.

Pagkababa ko ng jeep napansin ko ung alagang aso ng kapit bahay namin na gumagala sa tabi ng kalsada, halatang nakatakas ata siya kaya nung nasa gitna siya mismo ng kalsada at nakita ung papalapit na kotse nagmadali akong kunin ung aso at napaakyat ng mabilis para maibalik ko na ung aso :)